Hindi pa rin umano dapat kaligtaan ng mga pet owners ang kaligtasan ng kanilang alaga tuwing may nararanasang kalamidad.
Kaugnay ito ng napaulat na asong nasa gitna umano ng baha sa San Carlos City at kinakailangang ilikas.
Agad naman itong nirespondehan ng City Veterinary Office at napag-alamang nailikas na umano ng may-ari.
Malaking bagay naman umano ang pagbibigay alam ng mga concerned citizens upang agad naman marespondehan ng kinauukulan kung sakali man na kailangan pa rin na mailikas ang aso.
Paalala ng mga ito na huwag kalilimutan ang kapakanan ng mga alagang hayop sa gitna ng sakuna at maging isang responsableng amo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









