Pinatitiyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga Local Government Unit na siguraduhin ang kaligtasan ng mga bata kasunod ng inaasahang pagbabalik ng face-to-face classes sa Agosto.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, ipagpatuloy at panatilihin ng mga LGU ang kanilang road safety programs gaya ng road clearing operations at tricycle ban sa national highways upang maiwasan ang mga aksidente.
Batay sa datos na inilabas ng DILG noong May 6, 2022, nasa 93.53 percent o 38,690 mula sa 41,365 barangays sa bansa ang nakitaan ng road obstructions.
Kasabay nito, nanawagan din si Año sa susunod na DILG chief na bumuo ng mga polisiya na magtitiyak sa kaligtasan ng publiko lalo na sa mga bata sa kalsada.
Facebook Comments