Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Manaoag ang kaligtasan ng mga nagpaplanong bumisita sa nasabing bayan.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Mayor Agerico Jeremy Rosario, 24/7 na nakaantabay ang mga kapulisan sa buong bayan upang mabantayan ang mga bibisita dito.
Kapansin pansin aniya ang dami ng tao lalo noong araw ng Linggo kung saan ay hudyat ng pag uumpisa ng Semana Santa dahil Linggo ng palaspas.
Samantala pagsapit ng Huwebes Santo kung saan ay uso ang alay lakad at karamihan sa ating mga kababayan na deboto ay panata na ang paglalakad hanggang sa bayan ng Manaoag kung kayat mas dodoblehin aniya ang seguridad.
Pinapayuhan naman ang mga may plano na bumisita doon na kapag hindi maganda ang pakiramdam ay huwag na lamang magpunta sa bayan para hindi manganib dahil sa inaasahang bulto ng tao ngayong buong Semana Santa. |ifmnews
Facebook Comments