Kaligtasan ng mga byahero ngayong holiday, pinatitiyak ng isang senador

Pinatitiyak ni Senate Committee on Public Services Chairperson Raffy Tulfo sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno ang kaligtasan ng mga babyahe ngayong Pasko at Bagong Taon.

Sa gitna na rin ito ng pagdagsa ng mga kababayan sa pantalan, paliparan at bus terminals na uuwi sa kanilang mga lalawigan ngayong holiday.

Partikular na pinahihigpitan ni Tulfo sa Philippine Coast Guard (PCG) ang monitoring at inspeksyon sa mga pampasaherong bangka at barko upang maiwasan ang overloaded at iba pang paglabag na nakita sa mga nagdaang imbestigasyon ng Senado.


Maging ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) ay hiniling niyang maging alisto sa pagsusuri sa road worthiness at pagtalima ng mga bus sa kaligtasan bago lumarga papuntang mga probinsya.

Umapela rin si Tulfo sa pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) lalo na sa bawat terminals na huwag magbibigay ng VIP treatment sa iilan at tiyaking lahat ay striktong dadaan sa security at verification processes tulad ng frisking at x-ray machines.

Facebook Comments