Kaligtasan ng mga customer, dapat tiyakin ng pamunuan ng mga mall – PNP

Hinimok ng Philippine National Police (PNP) ang mga mall owners at managers na tiyakin ang kaligtasan ng kanilang mga customer.

Ito ay kasunod ng pagbubukas ng isang mall sa Zamboanga City kung saan nabalewala ang quarantine protocols.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Ildebrandi Usana, trabaho ng mall management na ipatupad ang minimum health safety standard protocols.


Mayroon ding umiiral na kasunduan bago pa man ang pandemya kung saan bawal ang mga pulis na pumasok sa mga mall na walang proper coordination sa security managers ng mall.

Gayumpaman, ipinauubaya na ng PNP sa proper units at government agencies ang imbestigasyon hinggil dito.

Nabatid na iniimbestigahan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang nangyaring soft opening ng SM mall sa Zamboanga City kung saan hindi nasunod ang physical distancing sa pagitan ng mga customers.

Facebook Comments