Tinututukan ng Manaoag Municipal Police Station (MPS) ang seguridad at kaligtasan ng mga dadalo sa nalalapit na siyam na araw ng Simbang Gabi na magsisimula sa Disyembre 16 sa Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag.
Ayon sa pulisya, inaasahang dadagsa ang mga deboto mula sa iba’t ibang lugar ng Pangasinan at karatig-probinsya, kaya magpapatupad ang mga awtoridad ng mga hakbang upang masiguro ang kaayusan at kaligtasan sa loob at paligid ng bayan.
Samantala, naghahanda rin ang mga vendors sa paligid ng simbahan dahil inaasahan nilang mas dadami ang mamimili at tataas ang kanilang benta ngayong panahon ng Simbang Gabi.
Hinimok ng pulisya ang publiko na makipagtulungan, sumunod sa mga patakaran, at mag-ingat upang maging maayos at ligtas ang pagdiriwang ng Simbang Gabi sa Manaoag.






