Kaligtasan ng mga kababayang naipit sa nangyaring gulo sa Sulu, pinatitiyak ni Sen. Padilla

Pinatitiyak ni Senador Robinhood Padilla ang kaligtasan ng mga kababayan sa Bangsamoro partikular sa Sulu na apektado sa nangyaring engkwentro kamakailan sa pagitan ng mga tropa ng gobyerno at ng kampo ni dating Maimbung, Sulu Vice Mayor Pando Mudjasan.

Si Mudjasan ay nahaharap sa mga patong-patong na kaso ng multiple murder, illegal possession of firearms and explosives at pageemploy ng mga sibilyan para gawing private armies.

Nais masiguro ni Padilla ang kaligtasan ng nasa mahigit anim na libong kababayan na kailangang lumisan sa kanilang mga tahanan dahil sa engkwentro.


Bagama’t lima sa panig ng dating bise alkalde ang nasawi habang apat ang sugatan, nakatakas naman sa mga awtoridad si Mudjasan.

Sinabi pa ni Padilla na kailangang matugunan sa ngayon ang paghahatid ng agarang tulong sa mga kababayang naiipit sa nasabing kaguluhan.

Tiniyak naman ni Padilla ang mahigpit na pagbabantay sa sitwasyon sa Sulu kaugnay sa operasyon ng PNP para arestuhin at papanagutin sa batas ang dating vice mayor.

Facebook Comments