Kaligtasan ng mga mag-aaral, dapat iprayoridad sa pagdedesisyon ukol sa pagbubukas ng klase

Ipinaliwanag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na base sa umiiral na batas ay hindi pwedeng lumampas sa Agosto ang pagbubukas ng klase.

Kaugnay nito ay pinirmahan na Drilon ang panukalang magpapahintulot sa pangulo na magdesisyon sa petsa ng pagbubukas ng klase tuwing may state of emergency, state of calamity o sitwasyon katulad ng COVID-19 pandemic.

Diin ni Drilon, sa pagdedesisyon ukol sa pagbubukas ng klase ay dapat pangunahing ikonsidera ang kaligtasan ng mga mag-aaral.


Para kay Drilon, magaling ang online learning, virtual classes at hybrid classes na inilalatag ng Department of Education (DepEd) pero imposible itong maipatupad sa buong bansa dahil mayorya ng ating populasyon ay walang koneksyon sa internet.

Dagdag pa ni Drilon, dehado rin ang mga mahihirap na mag-aaral dahil nananatiling mabagal at napakamahal ng internet sa Pilipinas kumpara sa ating mga kalapit na bansa sa Asya.

Samantala, mahalaga naman kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang edukasyon kaya dapat ay maituloy ang pagbubukas ng klase.

Pero giit ni Recto, dapat matiyak ang paglalatag ng protocols o mga hakbang na titiyak sa kaligtasan ng mga mag-aaral laban sa COVID-19.

Facebook Comments