Tinitiyak ang kaligtasan ng mga balik-eskwelang mga mag-aaral sa Dagupan City laban sa bantang maaaring idulot ng sakit na dengue sa pamamagitan ng nagpapatuloy na anti-misting operation sa mga paaralan sa lungsod.
Bahagi sa adhikain ng kasalukuyang administrasyon ang pagpuksa sa kaso ng Dengue alinsunod sa Anti-Dengue Campaign na patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ng Dagupan katuwang ang City Health Office at ang Anti-Dengue Brigade.
Nauna nang nadisinfect ang mga paaralan sa mga Barangay Mamalingling, Bolosan at Salisay na malaking katulungan at posibleng makabawas sa tyansa ng mga nabubuhay na pinamumugaran ng mga lamok.
Ilan pang mga paaralan sa lungsod ang isasailalim pa sa mga anti dengue operation sa nakatakdang mga petsa.
Samantala, matatandaan na nito lamang linggo ay nakatanggap din ang LGU Dagupan ng higit apat na libo o 4k na mga multi-insect spray mula sa isang kumpanya bilang suporta sa nasabing adhikain.
Napapanahon naman ang mga misting operations lalo na at magbubukas na muli ang pasukan ng mga mag-aaral at estudyante ngayong buwan ng Agosto, petsa 29 sa mga pampublikong paaralan. |ifmnews
Facebook Comments