Siniguro ng pamahalaan na nananatiling prayoridad ang kaligtasan ng ating mga Overseas Filipino Workers sa Taiwan.
Ito ay kasunod narin ng tensyon sa pagitan ng naturang bansa at ng China.
Tiniyak ito ni Depertment of National Defense Officer in Charge Sr. USec. Jose Faustino Jr. matapos ang pagpupulong nila ni US Secretary of Defense Lloyd Austin III kamakalawa.
Ayon kay Faustino, tuloy-tuloy ang ugnayan nila sa Filipino community sa Taiwan.
Umaasa rin silang huhupa ang tensyon pero saka sakali mang lumala ang sitwasyon doon, mayruon namang contigency plan ang pamahalaan.
Aniya, nasa 130,000 hanggang 150,000 ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Taiwan.
Mahalaga rin aniya na maipatupad ang PH-US mutual defense concept plan sa ilalim ng Mutual Defense Treaty base sa nagbabagong sitwasyon sa nasabing rehiyon.