Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Lingayen ang kaligtasan ng mga papasukang paaralan bago ito buksan para sa darating na pasukan ngayong buwan ng Agosto.
Iyan ang naging pahayag ni Mayor Leopoldo Bataoil sa naganap na KBP Media Conference kaugnay sa kaligtasan hindi lamang ang mga paaralan, gayundin ang mga estudyante at mga gurong manunumbalik na sa pag-aaral at pagtuturo.
Alinsunod dito, inalerto na umano ang ilang mga katuwang na ahensya tulad ng Municipal Engineering Office, PNP, Local DRRM at BFP upang umantabay sa seguridad, at ang ilang mga doctor sa Rural Health Unit ng bayan para naman sa pagtutok sa kalusugan ng mga ito.
Nakipag-ugnayan na rin umano ang LGU Lingayen sa mga principal ng mga paaralang apektado pa rin ng matinding pagbaha upang talakayin ang ilan sa mga usaping kailangang resolbahin.
Siniguro ng alkalde na ligtas ang lahat laban sa anumang kapahamakan bilang paghahanda na rin at dahil katatapos lamang ng nagdaang kalamidad. |ifmnews
Facebook Comments