
Iginiit ni Gabriela Women’s Party Rep. Sarah Elago sa mga ride-hailing platforms na tiyakin ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero.
Hinihiling din ni Elago ang agarang pagpapatupad ng mandatory gender sensitivity trainings at anti-sexual harassment seminars para sa lahat ng Transport Network Vehicle Services (TNVS) drivers.
Mensahe ito ni Elago kaakibat ng pagkondena sa asal ng isang TNVS driver na nagpakalat ng litrato at nagbitiw ng malaswang komento laban sa aktres na si Xyriel Manabat.
Diin ni Elago, hindi kailanman katanggap-tanggap na gawing katatawanan o ‘content’ ang pambabastos sa kababaihan.
Ayon kay Elago, ang insidenteng ito ay malinaw na halimbawa ng laganap na kultura ng pambabastos at sexual harassment na patuloy na nararanasan ng kababaihan kahit sa simpleng pagpasok sa trabaho.










