Kaligtasan ng mga pasahero sa MRT, pinapatutukan

Manila, Philippines – Kinalampag ni Senator Grace Poe ang Dept. of Transportation o DOTr dahil sa nangyaring aksidente sa isang istasyon ng Metro Rail Transit o MRT kung saan naputulan ng braso ang isang babae.

Katwiran ni Senator Poe, naiwasan sana ang nabanggit na aksidente kung may passenger railing safety feature sa bawat istasyon ng MRT.

Giit ni Senator Poe sa DOTr, maglatag ng mga hakbang o maglagay ng kinakailangang istraktura sa MRT na titiyak sa kaligtasan ng mga pasahero sakaling magkaroon ng seryosong aberya sa operasyon nito.


Ayon kay Senator Poe, sa ngayon ay kwestyunable talaga kung ligtas pa ang MRT dahil sa dami ng problema nito.

Inihalimbawa ng senador ang hindi maaasahan signaling system sa mga riles, hindi akmang bagon na nabili mula sa Chinese company na dalian locomotive, at mga depektibo o may sira na riles.

Facebook Comments