KALIGTASAN NG MGA PASILIDAD SA SAN CARLOS, SINURI NG CITY ENGINEERING OFFICE

Sinuri ng City Engineering Office ang kaligtasan ng iba’t ibang pasilidad sa San Carlos City kahapon, Disyembre 9.

Sa ilalim ng Construction and Maintenance Division, isinagawa ang demolition ng nasunog na gusali sa Tandoc Elementary School.

Kasabay nito, nagsagawa ang Electrical Division ng repairing, troubleshooting, reinstalling, at checking ng power supply, habang ang Motorpool Division ay nagpatupad ng filling of soil para sa containment access ng mga farmer machineries mula Barangay Bacnar hanggang Barangay Balite.

Nagkaroon din ng desilting sa silted creek sa Barangay Tayambani, Sitio Riverside, at Barangay Turac, Sitio Angalatan.

Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng pagsusuri at mga kaugnay na operasyon na mapanatili ang kaligtasan at kaayusan ng mga pasilidad sa San Carlos City.

Facebook Comments