Kaligtasan ng mga Pinoy sa Gaza, tiniyak ng DOLE

Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kaligtasan ng mga Pilipinong manggagawa sa gitna ng sagupaan ng Israeli Defense Forces at Hamas terrorists sa Gaza Strip.

Kasunod ito ng nagpapatuloy na airstrike ng Israel forces sa Gaza na kumitil na ng buhay ng mahigit 100 Palestinians.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, walang nasugatan at nasawing Pilipino sa Gaza.


Pero isang OFW ang humingi ng tulong sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) dahil halos tinamaan na ng bomba ang bahay ng kanyang employer.

Agad naman itong inaksyunan ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung saan pagtitiyak ni DOLE Director Alice Visperas ng International Labor Affairs Bureau ay inaalam na ang kalagayan ng mga Pinoy sa nasabing bansa.

Sa ngayon, wala pang natatanggap na ulat ang DOLE na may pinoy na gustong bumalik sa Pilipinas mula sa Israel.

Facebook Comments