KALIGTASAN NG MGA RESIDENTE, BINIGYANG-DIIN SA PAGTATAYO NG SLOPE PROTECTION PROJECT SA BRGY. SAN JOSE, SAN NICOLAS

Binigyang-diin ang kaligtasan ng mga residente sa pagtatayo ng 18 metrong slope protection project sa Barangay San Jose, San Nicolas bilang paghahanda laban sa banta ng pagguho ng lupa at pagbaha tuwing tag-ulan.

Pinondohan ang proyekto mula sa Supplemental Budget 2025 sa ilalim ng Development Fund ng munisipyo.

Layunin nitong magsilbing panangga laban sa soil erosion at posibleng pinsala dulot ng malalakas na ulan, lalo na sa mga lugar na malapit sa daluyan ng tubig at mga sakahan.

Nagsagawa ng inspeksyon ang alkalde, mga opisyal ng barangay, at Municipal Engineering Office upang matiyak na nasusunod ang mga teknikal na pamantayan at angkop ang disenyo ng proyekto sa pangangailangan ng komunidad.

Bahagi ang slope protection project ng mas malawak na Disaster Risk Reduction and Management program ng munisipyo na nakatuon sa pagpapalakas ng kahandaan ng lokal na pamahalaan laban sa mga panganib na dulot ng climate-related hazards.

Facebook Comments