Marawi City, Philippines – Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na matinding pag-iingat ang ginagawa ng kanilang mga tauhan para walang madamay na sibilyan.
Ayon kay AFP Spokesman Brig/Gen. Restituto Padilla – patuloy nilang iniiwasan na magkaroon pa ng collateral damage sa patuloy na bakbakan sa Marawi city.
Tinututukan na rin ang pagrekober sa mga nakakalat na bangkay dahil naagnas na ang ilan sa mga ito.
Paniwala ni Padilla – posibleng napatay ng mga terorista ang mga nasabing sibilyan noong unang araw pa lamang ng kanilang pag-atake.
Nagsisilbing stronghold ng mga terorista ang Marawi City kung saan, nahirapan ang militar na pasukin ito dahil sa mga nakabantay na sniper sa lugar.
DZXL558
Facebook Comments