KALIGTASAN NG MGA TURISTA NA DADAGSA SA MGA SA ALAMINOS CITY, TINIYAK

Nag-ikot ang kawani ng Alaminos City Disaster Risk Reduction and Management Council sa ilang pook pasyalan sa lungsod upang tiyakin ang kaligtasan ng mga bumibisitang turista sa lugar.

Nilibot ng mga personnel ng Lucap Wharf, Bolo Beach at Mangrove Park na madalas dayuhin ng mga turista tuwing holiday season at long weekend.

Apela ng tanggapan ang pagiging responsable sa pagtatapon ng basura upang maiwasan na mapunta sa dagat ang mga basura at mapanatili ang kalinisan sa mga pook pasyalan.

Hinihikayat ng CDRRMO ang pakikipag-ugnayan sa kanilang tanggapan tuwing pupunta sa lungsod upang mabilis ang komunikasyon at pagresponde sa oras ng emergency. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments