Ligtas pa ring bisitahin ang Pilipinas upang ma-enjoy ang higit pitong libong isla nito.
Pahayag ito ng Department of Tourism (DOT) kasunod ng pagkakategoriya sa Pilipinas ng US Centers for Disease Control and Prevention (US CDC) sa Level 3 dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, makakasiguro ang mga turista sa gobyerno na patuloy ang pagpapatupad ng minimum public health at safety standards sa mga tourist spots ng bansa.
Dagdag pa ni Frasco, malaki na ang naging pinsala ng pandemya sa sektor ng turismo kaya dapat baguhin na aniya ang perspektibo at matutong mamuhay kasama ang virus habang patuloy ang pagiging responsible sa pagsunod ng health protocols alang-alang sa buhay at pangkabuhayan ng mga taong dumedepende sa turismo.
Samantala, sinabi naman ng Department of Health (DOH) na magkaiba ang metrics na ginagamit ng bansa at US CDC sa pagtukoy ng COVID-19 risk.
Dagdag pa ng DOH, mataas ang vaccination rate ng bansa laban sa COVID-19 na isang mabisang paraan upang mapigilan ang pagkalat ng virus.