
Tampok sa mensahe ni Vice President Sara Duterte ngayong Semana Santa ang pagkilala sa sakripisyo ng Overseas Filipino Workers (OFWs) lalo na ang mga nasa Middle East.
Ayon kay VP Sara, ang OFWs ang buhay na halimbawa ng sakripisyo, at hiling niya aniya ang kaligtasan ng mga ito.
Sinabi pa ni VP Sara na mahalaga rin na isapuso ngayong Kwaresma ang kapakanan ng bansa at dalangin sa lipunang aniya’y pinatatakbo ng katotohanan, katarungan, at tapat na malasakit.
Panalangin din ni VP Sara na sana ay magsilbing inspirasyon ang aral ng sakripisyo ng Panginoong Hesus para sa pagkakaisa para sa isang matatag at maunlad na Pilipinas.
Facebook Comments










