Hindi na bibigyan ng proteksyon ng Philippine National Police si dating Daraga Albay Mayor Carlwyn Baldo sakaling matuloy ang pansamantala nitong paglaya.
Si Mayor Baldo ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay AKO BICOL partylist representative Rodel Batocabe at Police aide nito.
Ayon kay Police Regional Office 5 Regional Dir. Brig. Gen. Arnel Escobal kapag lumaya na si Mayor Baldo hindi na nito kailangan ng security.
Pero kung gusto raw ni Baldo ay kailangan nitong humiling ng Police Escort sa PNP.
Ikinagulat naman ni Escobal ang naging desisyon ng korte na payagang makapag pyansa si Mayor Baldo.
Aniya mabigat ang mga ebidensyang nakalap ng joint PNP units para lamang masampahan ng kaso si Mayor Baldo.
Pero ang appreciation aniya ng kaso ay nakadepende sa hukom kaya nirerespeto nila ito.
Sa ngayon nakakulong pa rin sa Albay Provincial Jail si Mayor Baldo hanggat hindi pa nareresolba ang inihaing motion for reconsideration ng prosecution office.