Kaligtasan ni Mary Jane Veloso, pinatitiyak ng Senado

Hinimok ni Senate President Chiz Escudero ang mga awtoridad na tiyakin ang kaligtasan sa pagbabalik bansa ni Mary Jane Veloso na naharap sa death row sa Indonesia.

Nanawagan si Escudero sa mga awtoridad na siguruhin ang kaligtasan ni Veloso sa paguwi nito sa Pilipinas at inatasan din na makipag-ugnayan sa pamilya ni Mary Jane para mawala ang takot hinggil sa pagbabalik nito sa bansa.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang senador kay Pangulong Bongbong Marcos at sa Department of Foreign Affairs (DFA) dahil sa pagsisikap na maibalik sa bansa si Veloso at kay Indonesian President Prabowo Subianto sa pagbibigay ng awa sa ating kababayan.


Samantala, pinasalamatan naman ni Committee on Migrant Workers Chairperson Raffy Tulfo si Pangulong Marcos sa matagumpay na diplomatic efforts na naging daan para sa pagbabalik bansa ng Pinay Overseas Filipino Worker (OFW) matapos ang 14 taon na nasa death row.

Nakahanda naman na ang Pilipinas sa pag-welcome kay Veloso sa paguwi nito sa bansa.

Facebook Comments