Tiniyak ng Presidential Security Command (PSC) ang kaligtasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nalalapit nitong ikatlong State of the Nation Address sa Lunes, July 22.
Ayon kay PSC Commander BGen. Jesus Nelson Morales, nakalatag na ang kanilang security measures at handa silang tumugon sa anumang posibleng mangyari.
Wala rin aniya silang binago sa security protocol na kanilang ipatutupad ngayong SONA 2024.
Nasa halos 1,500 PSC personnel ang ipapakalat sa loob at labas ng Batasang Pambansa Complex sa Quezon City para matiyak na ligtas ang pangulo.
Samantala, tumanggi namang magkomento si Morales sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na itinatalaga niya ang kaniyang sarili bilang “designated survivor.”
Facebook Comments