Puerto Princesa – Tiniyak ng Puerto Princesa Police Office na hindi manganganib ang buhay ni Vice Mayor Luis Marcaida III kung sakaling sa kanila mapunta ang kustodiya sa naturang opisyal.
Hinihintay kasi ng mga otoridad kung mag-susumiti ng waiver ang opisyal upang sa kanila pansamantala ibigay ang kustodiya.
Ayon kay Psupt. Ronie Bacuel ng city PNP, hindi nila hahayaang matulad si Marcaida sa ibang mga opisyales ng gobyerno na nasangkot sa iligal droga na napaslang matapos na maaresto.
Kaugnay nito, sa ngayon ay isinailalim na si Puerto Princesa City Vice Mayor Luis Marcaida sa drug test upang malaman kung ito ba ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.
Tatlong kaso naman ang kakaharapin ng opisyal partikular na ang paglabag sa sec. 11 ng RA 9165 at ang violation of firearms law and explosive.
Ihahabol naman na maisampa sa piskalya ang mga ito ngayong araw habang magpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa mga nakumpiskang kontrabando ng halughugin ng pinagsanib na pwersa ng PNP DEG at PDEA ang tahanan ni Marcaida sa bisa ng search warrant kaninang madaling araw.