Mahigpit na tinututukan ng San Manuel Municipal Police Station ang kaligtasan sa mga itinalagang firecracker zone sa iba’t ibang barangay ng bayan bilang bahagi ng paghahanda sa pagdiriwang ng Bagong Taon.
Ayon sa public advisory ng kapulisan, ang bawat barangay ay may nakatalagang firecracker zone na dapat ay bukas at maluwag, malayo sa kabahayan, at ligtas sa sunog o aksidente, alinsunod sa umiiral na batas at safety protocols.
Binigyang-diin na kinakailangang may sapat na safety measures at mahigpit na pagbabantay sa mga lugar na ito upang maprotektahan ang publiko, partikular ang mga bata at iba pang vulnerable na sektor.
Layunin ng hakbang na maiwasan ang mga insidente kaugnay ng paputok at mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa lugar.
Facebook Comments







