Binisita kahapon ni Agriculture Secretary William Dar ang Department of Agriculture Taal Livestock Care Emergency Operations Center, na inilunsad lamang kamakailan sa Tanco Drive sa Brgy. Marawouy, Lipa City, Batangas.
Ikinatuwa nito na naitayo at nag-ooperate na ang pasilidad na magsisilbing distribution center para sa lahat ng family-sourced assistance at interventions ng DA.
Naging pansamantalang tirahan din ito ng 62 alagang hayop na narescue sa pananalanta ng bulkang Taal.
Inatasan din ng kalihim si DA-RFO 4-A Director Arnel de Mesa na tiyaking may sapat na pagkain, bitamina, gamot at iba pang Veterinary Supplies para mapanatili ang Operasyon ng Center.
Sunod na binisita ng kalihim ang Darasa Elementary School sa Tanauan na naging evacuation site para sa may 1,500 Evacuees.
Kasama rin siya na namahagi ng mga relief goods, mga gulay at pagkain sa mga residente.
Naglaan na ang DA ng ₱130-million halaga na tulong sa porma ng Farm Equipment, binhi, planting materials at fingerlings sa mga affected na magsasaka at mangingisda.