Hinikayat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa mga local government unit (LGU) na magtulungan sa isa’t isa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng pinakamahuhusay na kagawian.
Ayon kay Abalos na sa paraang ito makakamit ang sustainable community development at makatutulong na maisakatuparan ang vision ng Bagong Pilipinas.
Ginawa ni Abalos ang apela sa katatapos na General Assembly ng League of Municipalities of the Philippines (LMP).
Ang event ay naglalayong makatulong na mapabilis ang implementasyon ng 17 Sustainable Development Goals (SDGs) ng United Nations sa local level.
Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ni Abalos ang kahalagahan ng mabuting lokal na pamamahala.
Binigyang-diin din ng kalihim ang mga hakbang ng DILG, sa pakikipagtulungan ng mga katuwang na ahensiya ng gobyerno at mga LGU na direktang tumutulong sa pagsasakatuparan ng 17 SDGs.