Nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tatayo lamang bilang ex officio member ng Maharlika Investment Fund board si Finance secretary Benjamin Diokno.
Pero hindi ang kalihim ang magpapatakbo ng pondo.
Sa ambush interview, ipinaliwanag ng pangulo na sa orihinal na panukala ay ang presidente ng Pilipinas ang magsisilbing chairperson ng board, kasama ang kalihim ng Department of Finance (DOF), ngunit tinanggihan aniya niya ito para hindi mahaluan ng politika ang mga desisyon sa pangangasiwa ng pondo.
Ayon pa sa pangulo, ang ibang mga economic at financial managers na kasama sa board ang mangangasiwa sa MIF upang matiyak na hindi ito mapaririwara kundi mas mapalalago pa o kumita nang malaki na gagamitin kalaunan sa mga proyekto ng gobyerno.