Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na sampahan ng kasong paglabag sa anti-graft law si Justice Undersecretary Reynante Orceo.
Sabi ni Drilon, halatang nagsisinungaling si Orceo sa isinagawang pagdinig ng senado kahapon tungkol sa naging desisyon ng DOJ na pababain ang kaso ng grupo nina Supt. Marvin Marcos.
Mula kasi sa kasong murder, naibaba ang kaso nina Marcos sa homicide kaugnay ng pagkakadawit ng mga ito sa pagpatay kay dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.
Aniya, malinaw na may cover up sa kaso, pabor sa mga pulis.
Bukod kay Orceo, posibleng sangkot din daw sa sabwatan si Justice Sec. Vitaliano Aguirre bagay na itinanggi naman ni Orceo.
Aniya, walang kinalaman ang kalihim sa kanyang resolusyon dahil hindi niya ito kinonsulta.
Sa huli, pinanindigan ni Orceo ang kasong homicide laban sa grupo ni Marcos.