KALIHIM NG NPA SA CAGAYAN VALLEY, PATAY SA ENGKWENTRO

CAUAYAN CITY – Muling nalagasan ng pwersa ang Cagayan Valley Regional Committee o Komiteng Rehiyon Cagayan Valley (KRCV) matapos mapaslang sa naganap na engkwentro ang kanilang Kalihim sa Barangay Baliuag, Penablanca, Cagayan.

Sa ulat ng Cagayan PIO, ang nasawi ay si Ariel Arbitrario alyas Karl/Bogart, Regional Secretary ng KRCV at siyang may hawak sa rebeldeng grupo sa rehiyon dos maging ng mga nasa karatig na probinsya.

Umabot sa 20 minuto ang sagupaan na nagresulta sa pagkamatay ni Bogart kasama ang tatlong iba pa.


Samantala, sa isinagawang hot pursuit operation, isang kasapi ng NPA at boluntaryong sumuko sa mga awtoridad.

Dagdag pa rito, sa ngayon ay nasa kustodiya ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang labi ni Ka Bogart at ang isa pa, habang inilibing na rin ng kanyang pamilya si Ka Jorly sa Bural, Rizal, Cagayan at ang labi naman ni Ka Daniele ay nakalagak sa isang punerarya sa Lungsod ng Tuguegarao.

Facebook Comments