Mas pinaigting pa ng provincial government ng La Union ang kanilang layunin na maalagaan at mapaganda ang kapaligiran o kalikasan sa pamamagitan ng pagsulong sa Kalikasan Naman Campaign.
Kaya naman kasabay sa kanilang selebrasyon ng ika-173 founding anniversary ng lungsod, ang Provincial Government- Environment and Natural Resources Office ay nanguna sa #ayat para sa kalikasan kung saan isinagawa ang simultaneous coastal and river cleanup drive katuwang ang ibat ibang province component Local Government Units at Regional-lines ng National Government Agencies.
Layunin umano ng mas pinaigting na pagsulong na malinisan at maalagaan ang kalikasan ay magkaroon rin ng pagbabago lalo na sa paghubog ng paraan ng pakikipag-ugnayan ng kaprobinsiyaan sa kapaligiran dahil mas pagsasakatuparan diumano nila ang kanilang vision na maging Puso ng Agri-Tourism sa Northern Luzon sa 2025 ang lalawigan.
Samantala, nasa tinatayang 800 kg ng basura ang nakolekta sa loob ng dalawang oras na cleanup drive.
Ilan sa mga nakolekta sa mga baybayin at tabing-ilog ay upos ng sigarilyo, plastic wrapper, plastic cup at bote.
Dinala naman ang mga ito sa pasilidad ng sanitary landfill.
Sabay-sabay na nakilahok sa aktibidad na ito ang lahat ng 20 component LGUs ng lalawigan, volunteer kaprobinsiyaan at lahat ng partner at stakeholders. |ifmnews
Facebook Comments