Kalinga, nakapagtala ng 30 PUI; 800 PUM dahil sa COVID-19

*Cauayan City, Isabela*- Umakyat na sa 30 ang Patient-under-Investigation sa buong Probinsya ng Kalinga.

Batay sa pinahuling datos ng Provincial Health Office, pumalo sa mahigit 800 ang Patient under monitoring habang nananatili naman na covid-19 free pa rin ang buong lalawigan.

Nakapagtala ng may pinakamaraming bilang na PUM ang Bayan ng Rizal, Kalinga na sinudan ng Balbalan; 75, Tinglayan; 47, at Pasil; 38.


Patuloy naman ang panawagan ng mga awtoridad sa publiko na ugaliin ang social distancing at tiyakin na umiwas sa mataong lugar at magsagawa ng mass gathering para makaiwas sa posibleng pagkalat ng nakamamatay na sakit.

Facebook Comments