Cauayan City, Isabela-Nominado si Maria “APO WHANG-OD” Oggay para sa 2020 GAWAD sa MANLILIKHA ng BAYAN (GAMABA) sa ilalim ng Traditional Tattooing Category.
Sa Resolution no.2021-061, si Apo Whang Od ay tinatayang ang edad ay nasa daang taon na at pinaniniwalaang oldest living “Mambabatok” sa bansa.
Isa sa kanyang tinatuan ay ang mga tinatawag na “Mingor o Kalinga Warriors” maging ang mga kababaihan na edad 70 kung saan kinokonsidera siyang huling mambabatok ng kanyang henerasyon.
Gamit ni Apo Whang Od ang tradisyunal na pambabatok na may halong tubig na nakalagay sa bao ng niyog; isang orange/calamansi at ang iba pang madalas nitong gamit.
Matatandaang ipinagkaloob kay Apo Whang Od ang Dangal ng Haraya Award for Intangible Culture Heritage taong 2018 mula sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA).
Naniniwala ang kanyang mga kababayan sa Kalinga na ang kanyang kakayahan sa traditional tattoo ay nagpapakita ng pagiging National Living Treasure of the Philippines kung saan mas makabuluhang kontribusyon para sa pangangalaga ng Philippine culture and the arts.
*tags: 98.5 iFM Cauayan, 98.5 RMN, LGU Kalinga, Apo Whang Od, Tattoo Artist, Luzon*