KALINISAN AWARD, IGINAWAD SA BRGY. CARABATAN CHICA

CAUAYAN CITY- Nakatanggap ng dalawang parangal ang Barangay Carabatan Chica sa Lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng IFM News Team kay Committee on Clean and Green Benjamin Recobo, sa animnapu’t limang barangay sa Lungsod ay isa ang Carabatan Chica sa walong barangay na ginawaran ng Kalinisan award habang napabilang rin ito sa barangay road clearing reports kung saan limang barangay lamang ang napili sa buong Cauayan.

Aniya, ang parangal na ito ay dahil sa aktibong partisipasyon ng mga mamamayan at opisyal sa pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang lugar.


Tuwing Sabado ay nagsasagawa ang mga ito ng clean-up drive lalo na ang malapit sa tulay kung saan katuwang nila rito ang mga miyembro ng 4Ps.

Bukod dito, mahigpit pa ring ipinapatupad ang tamang pagtapon ng basura at paggamit ng mga material recovery facility sa lugar.

Facebook Comments