Isinasagawa sa lungsod ng Dagupan ang Iwas-Lansa Project para sa kakalsadahan ng siyudad.
Ayon kay Mr. Davidson Chua na Admin Officer ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) nag-simula ang proyekto noong pang 2017. Isa sa mga lugar na isinasagawa ng nasabing proyekto ay ang Malimgas Public Market kung saan nagkakaroon ng bangus deboning.
Dagdag pa ni Mr. Chua layunin ng nasabing proyekto na tulungan ang mga tindera na tumaas ang kita sa pamamagitan ng pagpapanatili ng maayos at malinis na pamilihan upang balikan. Sa ngayon naging maayos na ang proseso dahil mapapasin na hindi na ito katulad ng dati na bungad pa lamang ay lansa na ang bubungad sa mga mamimili.
Napansin mo ba idol?
Ulat ni Ariel Bauzon
Photo-credited to Google Images