Kalinisan Karaban ilulunsad na rin sa Binmaley

Ilulunsad sa bayan ng Binmaley Pangasonan ang programa ng probinsiya na Kalinisan Karaban ngayong taon upang matulungan ang bayan sa kalinisan.

Nabanggit ni Governor Amado Espino III na sumulat umano ang Mayor ng bayan upang maisama sa mga iniikutan ng van at truck ng Kalinisan Karaban.
Ang nasabing programa ay ang pag-iipon ng plastic waste gaya ng sirang tabo, pinagbalatan ng shampoo, plastic bottles at iba pa upang ibenta dahil ang bawat kilo nito ay may katumbas na goods, cellphone load at iba pa. Ito umano ay pagsuporta sa Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Inaayayahan ang bawat Pangasinense na makilahok sa nasabing programa upang makamit ang isang malinis na Pangasinan.

Nasimulan ang Kalinisan Karaban noong Enero 26 ngayong taon at ipinatupad na sa bayan ng Tayug, Bugallon, Bautista at lungsod ng San Carlos.
*contributed by Ella Solomon
[image: 55704592_2412572418773526_8396001240739217408_n.jpg]


Facebook Comments