KALINISAN | PNP Chief Ronald Dela Rosa, ipinag-utos na gawing daily routine ang paglilinis ng mga police stations

53

Manila, Philippines – Ipinag-utos ni PNP Chief Ronald Dela Rosa sa lahat ng kaniyang mga police commanders na gawing daily routine ang paglilinis sa mga police stations at iba pang unit offices.

Babala ni Dela Rosa, maituturing na ‘neglect of duty’ ito kapag nabigo ang kanyang mga tauhan na gawin ito.

Nais ni Dela Rosa, na malinis ang paligid ng mga himpilan maging ang mga banyo.

Magugunitang sinibak ni Dela Rosa ang tatlong chief of police dahil sa maruming kapaligiran.

Facebook Comments