Siniguro ng Department of the Interior and Local Government o DILG na mahigpit na ipapatupad ng Kalinga at Inisyatiba Para Sa Malinis na Bayan o KALINISAN Program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay DILG Sec. Benhur Abalos, partikular nilang babantayan ang performance ng bawat barangay kada buwan.
Magsasagawa rin ang ahensya ng awarding quarterly para kilalanin ang Local Government Units (LGUs) na episyenteng magpapatupad ng programa.
Hinikayat naman ni Abalos ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan na magpasa ng kanya-kanyang ordinansa na mag-oobliga ng community service sa mga indibidwal na mahuhuling nagkakalat.
Ang KALINISAN program ay inilunsad nitong Sabado sa pamamagitan ng sabayang paglilinis sa buong bansa.
Matatandaang inatasan ni Pangulong Marcos ang kaukulang mga ahensya na kumilos upang gawing maaliwalas at malinis ang kapaligiran.