KALINISAN SA MGA PAMPUBLIKONG PAARALAN SA SAN NICOLAS, ISINUSULONG

Isinusulong ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas ang kalinisan at sanitasyon ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa bayan.

Sa ginawang inspeksyon ng alkalde sa Dalumpinas Elementary School sa bayan, tiniyak na may bago at kalidad na palikuran o comfort rooms na magagamit ang mag-aaral at guro upang makapag hugas at makapaglinis ng katawan kung kinakailangan.

Isa rin ito sa proyekto ng lokal na pamahalaan upang mabigyan ang mga paaralan ng maayos na pasilidad ang sektor ng edukasyon sa bayan.

Sa ilalim ng programang WASH o (Water, Sanitation, and Hygiene) naglalayong maituro ang tamang pamamaraan ng paghuhugas ng kamay at mapaigting ang kalinisan at sanitasyon sa loob ng mga paaralan upang maging ligtas sa mga sakit na maaaring makuha. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments