Sa kasagsagan ng pagdiriwang ng pasko, pinaigting ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ang kanilang pagkilos upang masiguro ang kalinisan sa mga pook pasyalan at pampublikong lugar sa Alaminos City.
Mula sa Lucap Park, na dinarayo ng maraming tao, hanggang sa Hundred Islands National Park, binabantayan ang maayos na pamamahala ng basura, kabilang ang programang “Basura Mo, Iuwi Mo” na isinasaalang-alang ang wastong segregation at paghakot ng mga basura.
Kasabay nito, katuwang pa rin ang mga garbage collector na umiikot sa mga barangay upang maiwasan ang pagkaipon ng basura.
Ayon sa CENRO, sa sama-samang disiplina at pakikiisa ng mga residente, mas magiging malinis, maaliwalas, at masaya ang.
Hinikayat ng CENRO ang publiko na patuloy na maging disiplinado at responsable sa pamamahala ng kanilang basura para sa mas ligtas at malinis ang mga pagdiriwang ngayong Disyembre.






