KALINISAN SA MGA SEMENTERYO SA BASISTA PARA SA UNDAS 2025, PAKIUSAP NG LGU

Pakiusap ng lokal na pamahalaan ng Basista ang pakikiisa ng publiko sa pagpapanatili ng kalinisan sa lahat ng sementeryo sa bayan ngayong taon.

Bilang paghahanda, nagpulong na ang lokal na pamahalaan at iba’t ibang ahensya upang planuhin ang taunang paglilinis sa pampublikong sementeryo ng bayan.

Susuriin din ang lahat ng puntod upang madaling makita ng mga bibisita sa inaasahang dagsa sa mismong araw ng mga yumao.

Kasama rin sa pagpupulong ang mga kinatawan ng Romano at Independent Cemetery, upang matutukan din ang kalagayan ng dalawang pribadong sementeryo na inaasahang dadagsain ng mga residente.

Facebook Comments