Tuluyan nang na-plantsa ang kalituhan sa pagpapatupad ng batas-trapiko sa Metro Manila.
Partikular ang kalituhan sa mga penalty sa paglabag sa batas-trapiko gayundin sa pagpapatupad ng coding scheme at iba pang traffic rules sa National Capital Region (NCR).
Ito ay matapos magsama-sama ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Land Transportation Office (LTO), Metro Manila Council Technical Working Group para plantsahin ang naturang sistema.
Sa nasabing pagpupulong, nagkasundo ang naturang mga tanggapan na magpatupad na lamang ng iisang traffic code sa Kalakhang Maynila.
Kabilang na rito ang pagpapatupad ng Single Ticketing System para sa mga motoristang nahuhuli sa iba’t ibang traffic violations.
Facebook Comments