Kaliwa’t kanang job fair, ikakasa ng Manila LGU

Nakatakdang magsagawa ng magkasabay na job fair ang lokal na pamahalaan ng Maynil ngayong araw.

Alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali, ikakasa ang “Kalinga sa Maynila PESO Job Fair” sa Maria Clara Street kanto ng Ibarra Street sa Sampaloc, Manila.

Humigit kumulang na 2,500 job vacancies ang naghihintay para sa high school graduates, college level, college at tech/voc graduates na nais magtungo rito.


Alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon naman ay isasagawa ang Mega Job Fair sa Arroceros Forest Park sa Ermita na katabi lamang ng LRT Central Station at Metropolitan Theatre.

Ang nasabing mga job fair ay isa sa mga programa ng Public Employment Service Office (PESO) ng Manila katuwang ang Department of Labor and Employment – National Capital Region at DOLE NCR Manila Field Office.

Pinapayuhan ang mga aplikante na magsuot ng casual attire, magdala ng 10 o higit pang kopya ng resume at ballpen.

Facebook Comments