KALIWA’T KANANG JOB FAIRS, ILULUNSAD NG DOLE REGION 1 KASABAY NG ARAW NG KALAYAAN NG BANSA

Dalawang linggo bago ang idaos ang ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ay magkakaroon ng kaliwa’t kanang job jair na isasagawa sa iba’t ibang lugar sa Rehiyon.
Gaganapin ang mga job fairs na ito sa Don Leopoldo Sison Convention Center sa Alaminos City, Nepo Mall at SM Center sa Dagupan City, SM City Rosales sa bayan ng Rosales at CB Mall sa Urdaneta City kung saan nasa 9,496 na bakanteng trabaho mula sa 56 na employer.
Sinabi ni DOLE Ilocos regional director Exequiel Ronie Guzman, na sa taong ito ay nagsikap sila para maisagawa ang ng maraming job fair habang patuloy na binibigyang daan ang mga naghahanap ng trabaho sa ganap, disente, at produktibong trabaho.

Ilan lamang sa mga trabahong maaaring mapasukan ay ang mula sa business process outsourcing (BPO), turismo at hospitality, construction, at sales at retail.
Aniya pa, patuloy silang nakikinabang sa mga job fair dahil nananatiling epektibo ang mga ito sa pagpapadali ng trabaho.
Ang mga interesadong naghahanap ng trabaho ay hinihikayat na mag-pre-register ngayon sa pamamagitan ng link na bit.ly/kalayaanjfregister kung saan ang mga pre-registered na aplikante ay magkakaroon ng mabilis na daanan patungo sa venue sa araw ng fair, kaya tumataas ang kanilang pagkakataong ma-hire on the spot.
Sa kabuuan, mayroong walong job fairs ang isasagawa sa buong Ilocos Region kasabay ng nasabing okasyon. |ifmnews
Facebook Comments