Kaliwa’t kanang kilos-protesta, isinasagawa sa ilang bahagi ng Maynila

Kasabay ng pagdiriwang ng International Human Rights Day, nagsagawa ng Kaliwa’t kanang kilos-protesta ang iba’t ibang grupo sa Maynila.

Ito’y para ipanawagan na tuldukan na ang korupsyon at pagmamalabis sa ilalim ng pamumuno ng administrasyon Marcos Jr. at Duterte.

Sa kabila ng pag-uulan, pinangunahan ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) ang protesta sa may bahagi ng España habang ang grupong Karapatan at Bayan ang nagsasagawa ng programa sa Liwasang Bonifacio.

Kapwa nananawagan ang mga grupo na bumaba na sa pwesto ang dalawang lider ng bansa dahil wala na silang nagawang hakbang para sa ikakaunlad ng pamilyang pilipino.

Kapwa hindi rin kumikilos ang Pangulo at Bise Presidente na masolusyunan ang kahirapan na nararanasang ng bawat pilipino.

Maging ang ginagawang pagmamalabis ng mga namumuno at opisyal ng pamahalaan tulad ng pagtapak sa karapatan pantao ay tila hindi na natututukan kaya’t marami ang umaalma.

Facebook Comments