Kaliwa’t kanang kilos-protesta kaugnay ng anibersaryo ng People Power Revolution, mapayapa sa pangkalahatan —PNP

Generally peaceful ang isinasagawang mga pagkilos kaugnay ng ika-39 na anibersaryo ng EDSA People Power ngayong araw.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) PIO Chief PCol. Randulf Tuaño, umabot sa 51,172 pulis ang ipinakalat sa buong bansa upang tiyakin ang seguridad at kaayusan ng publiko.

Ani Tuaño, sa Metro Manila pa lamang ay nasa 8,747 pulis ang ipinakalat sa mga pangunahing lugar, habang ang iba’t ibang regional police offices ay nagtalaga rin ng mga tauhan upang subaybayan ang mga aktibidad at maiwasan ang anumang banta sa seguridad.


Ilan sa mga nagkikilos-protesta sa People Power Monument ay mga manggagawa, estudyante at mga progresibong grupo kung saan sigaw nila ang agarang pagpapatalsik sa pwesto kay Vice President Sara Duterte at ang pagpapanagot sa anila’y mga kapalpakan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Facebook Comments