Kaliwa’t kanang programa ng PISTON, umarangkada na

Sinimulan na ng grupong PISTON ang kanilang kaliwa’t kanang programa para sa pagsasagawa ng tigil-pasada.

Ito’y upang ipanawagan na itigil muna ang nakatakdang PUV Modernization Program at ang renewal ng kanilang prangkisa.

Giit ng mga tsuper ng jeepney sa Maynila, hindi sapat at kulang ang kanilang pondo para makakuha ng iniaalok na modern jeep.


Giit pa nila, pagtuunan sana ng pansin ng pamahalaan ang pagkontrol sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at produktong petrolyo.

Tutol din sila sa planong maging pribado at corporate owned ang mga prangkisa ng pampublikong sasakyan.

Kaugnay nito, apektado ng tigil-pasada ang mga biyahe ng jeep mula Pedro Gil patungong Guadalupe, Makati; Divisoria papunta ng Baclaran, Pasay at España patungong Cubao, Quezon City.

Facebook Comments