Kaliwa’t kanang surveys kaugnay sa 2022 elections, pinuna ng UP School of Statistics

Pinuna ng University of the Philippines School of Statistics ang mga nagkalat na kalye at online survey sa social media ngayong campaign season.

Ayon sa UP School of Statistics, dismayado sila sa ilang survey ng mga vlogger at ibang page sa Twitter at Facebook dahil sa pagbalewala ng mga hakbang sa data gathering.

Anila, posibleng mayroong bias sa ginagamit na methodology o paraan ng pagsasagawa ng survey kaya’t poisibleng maging bias din ang resulta nito.


Dahil dito, umapela ang UP School of Statistics sa publiko na huwag basta maniwala sa mga lumalabas na ganito at alamin kung papaano ginawa ang iba’t ibang survey na kumakalat sa social media.

Facebook Comments