China – Viral ngayon sa social media ang larawan ng isang five story building sa Chinese city ng Chongqing sa China.
Ito ay dahil na rin sa kalsada na dinadaan ng mga sasakyan pero nasa tuktok ng gusali.
Ang the Five-Story Building ay ginawa sa tabi sa isang bundok at may indoor parking.
Ginawa daw ang nasabing gusali upang tulungan ang mga residente na mas madaling makapunta sa kanilang tahanan.
Nabatid na kilala ang Chongqing sa mga kakaiba nitong architecture at infrastructure tulad ng sprawling road interchange na may labing limang rampa papunta sa walong directions at 13-storey-high pedestrian bridges.
Facebook Comments