Kalsada sa Zamboanga Del Sur na apektado ng landslide, madaanan na

Zamboanga Del Sur – Naglagay ng mga Warning signs Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga naapektuhang kalsada ng landslide matapos isinagawang clearing operations sa isang bahagi ng bundok sa Lower Bayao Road sa bayan ng Tukuran, Zamboang del Sur.

Naantala ng halos limang oras ang mga mga byahero at ang iba ay naglakad na lamang lumipat sa ibang sasakyan.

Sa panayam ng RMN Pagadian kay PDRRMO Action Officer Francisco Maca, sa mga oras na ito buksan na ang buong bahagi ng kalsada at agad na pinadaan ng mga tauhan ng DPWH ang mga motorista.


Wala namang naiulat na nasaktan at iba pang napinsala sa nasabing pagguho.

Facebook Comments